header image
 

Sa Isang Kaibigan

Wala akong makitang pagbabago. Wala din akong makitang effort. Feeling ko nga napakasama ko ng tao dahil pinipilit kong makisama ulit. Pero dahil sa sama ng loob at patuloy pa din siyang nagiging manhid sa mga bagay na nagsimula ng problema. Hindi ko maiwasan na makapagsalita ng patalikod. Sadya man oh hindi, wala akong magawa. Hindi na tulad ng dati na tinitiis ko lahat ng sama ng loob at pinipilit kong intindihin ang mga bagay bagay.

Nahihiya ako sa mga tao sa paligid ko. Gusto ko makisama kasi magkakaibigan tayo. Pero patuloy akong nagpapakatotoo sa sarili ko, sa nararamdaman ko. Hindi ko na ma-i-deny na minsan talaga sa buhay ng isang tao, kaylangan mo magpakaplastic. Sa kapakanan mo, pati na din ng pagkakaibigan nyo.

Madali naman ako magpatawad ng tao. Kung sana kahit konti lang may pagbabago at effort akong nakikita at nararamdaman. Pero patuloy at patuloy pa din siya sa mga bagay na dating ginagawa niyang kaya napagsabihan siya na ‘insensitive’. Walang pagbabago.

Siguro, pahiwatig na din yun para magpakatotoo ako sa sarili ko. Alamin ko kung ano ba dapat ang desisyon ko, ano ba dapat ang gawin ko.

May iilan na tao sa paligid ko. Pero alam ko totoo sila. Hindi ko na siguro dapatipilit pang makisama ng dahil sa kanila.

Tama na.

Hangga’t walang pagbabago. Hangga’t walang pagsisikap. Tama na muna.

Bookmark and Share

~ by toni on July 20, 2008.

One Response to “Sa Isang Kaibigan”

  1. ngayon ko lang nabasa 2.mahalaga ka sakin pero eto na tayo ngayon, simula nung ng yari nung bday ni jolly umasa ako na maaayos pa pero tingin ko wala na talaga sayo kaya sinanay ko na sarili ko na eto nalang tayo. kahit gusto pa kita protektahan umiiwas na ako kasi ayoko ng may masabi ka pa sakin kasi hindi naman pala ako nakatulong sayo. ayaw ko na makialam sa bagay na kagustuhan mo kasi kahit sabihing magkapatid turingan natin hindi pa din reason yun para makialam ako sa buhay mo. salamat na din dahil pala sakanila kaya mo pinipilit na makisama ulit sakin. hindi ako manhid, umiiwas nalang talaga sa sitwasyon na dati ko ginagawa sayo kasi hindi naman pala tama. kasi kung nasaktan kita/kayo eh nasaktan din ako.kung insensitive nga ako sorry. hindi ko yun sinasadya, pero eto isang totoo maniwala ka o hindi…naging totoo ako sayo. dahil mahalaga ka sakin. ngayon alam ko na, salamat.

Leave a Reply